Tiniyak ng pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT-3) na walang mangyayaring taas-pasahe sa kanilang tren ngayong taon.
Ayon kay MRT-3 General Manager Oscar Bongon, walang fare hike ngayong 2025 subalit posible ito sa susunod na isa o dalawang taon, at regulated ito ng Department of Transportation.
Idiinagdag ni Bongon na sa ngayon ay walang petisyon para sa taas-pasahe sa MRT-3 at walang obligasyon para gawin ito, hindi gaya ng mga nasa ilalim ng private concessionaires na nasa kontrata ang pag-a-adjust ng pasahe.
Samantala, inihayag din ng opisyal na target ng MRT-3 na mag-operate ng four-car train sets sa Hunyo mula sa kasalukuyang tatlo, kapag nakumpleto na ang kanilang pocket track extension sa Taft Avenue at North Avenue turn-back facility.