dzme1530.ph

PAOCC, hindi pa masabi kung may silbi si ‘Mary Ann Maslog’ sa imbestigasyon kay Alice Guo

Masyado pang maaga para masabing maaring gamitin si Jessica Francisco o “Mary Ann Maslog” sa imbestigasyon laban kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, o isa lamang itong nuisance o panggulo.

Pahayag ito ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Spokesperson, Dr. Winston Casio, bagaman depende aniya kung gaano kahusay ang imbestigador o sinumang magtatanong para mapiga ang katotohanan mula kay Maslog, kung mayroon man.

Sa ngayon, sinabi ni Casio na wala pang naia-ambag na anumang impormasyon o sa madaling salita ay nakagugulo pa lang si Maslog sa imbestigasyon.

Kahapon ay ibinida ni Maslog na kinausap siya ng PNP Intelligence Group para kumbinsihin ang dismissed mayor na sumuko.

Kinumpirma naman ng abogado ni Guo na si Stephen David, na nilapitan siya ni Maslog at ipinagmalaking nasa panig nito  ang “Top brass ng PNP.” —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author