dzme1530.ph

Panukalang pagpapaliban sa BARMM elections, inaprubahan na sa 2nd reading sa Senado

Inaprubahan na sa Senado sa second reading ang Senate Bill 2942 o ang pagpapaliban ng unang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) elections.

Sinabi ni Sen. JV Ejercito, sponsor ng panukala na napagkasunduang ipagpaliban ng limang buwan ang BARMM elections.

Sakaling maaprubahan ang panukala, itatakda ang eleksyon sa October 13, 2025.

Una na ring kinumpirma ni Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero na sinertipikahan nang urgent ng Malacañang ang panukala.

Partikular na concern dito ng mga security officials na huwag isabay ang eleksyon ng BARMM sa national at local elections sa Mayo dahil ninipis ang deployment ng security forces sa rehiyon.

Samantala, si Senate Minority Leader Koko Pimentel naman ang tanging tumutol sa panukala sa pagsasabing nakailang postponement na ang BARMM elections at kung ipagpapaliban ulit ngayong taon ay madi-desynchronize na ang BARMM elections sa national elections. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author