dzme1530.ph

PANGULONG MARCOS, SINAKSIHAN ANG JOINT TASK FORCE MARITIME STRIKE SA GITNA NG BALIKATAN 2026

Loading

Sinaksihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Joint Task Force Maritime Strike ng Philippine-US Exercise Balikatan 41-2026 sa Camp Aguinaldo, sa Quezon City.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), ibinida sa exercise ang coordinated maritime strike operations ng mga kaalyadong bansa ng Pilipinas.

Ipinakita sa aktibidad ang lumalawak na kapabilidad ng Armed Forces of the Philippines na magsagawa ng military operations, kasama ang international partners, pagdating sa pagsusulong ng regional security at freedom of navigation.

Bukod dito, nagbigay din ng karagdagang kahalagahan ang Balikatan 41-2026, habang ginugunita ng Pilipinas at Estados Unidos ang 75th anniversary ng kanilang Mutual Defense Treaty.

About The Author