dzme1530.ph

PANGULONG MARCOS, ITINANGGING MAY KAUTUSAN NA ARESTUHIN SI SEN. BATO DELA ROSA; GOBYERNO, WALANG KINALAMAN SA NANGYARING PUTUKAN SA SENADO

Loading

Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na walang instruction kahit kanino na hulihin si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, na may warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC).
 
Sa video message kagabi, nanawagan ang Pangulo na maging kalmado matapos marinig ang mga putok ng baril habang naka-lockdown ang mataas na kapulungan.
 
Iginiit din ni Marcos na hindi gobyerno ang gumawa nito at wala aniyang mga tagalabas na sundalo o militar o NBI na pumasok sa Senado.
 
Magsasagawa rin aniya ng imbestigasyon ang PNP at Senado upang malaman kung ang insidente ay isang engkwentro o bahagi ng destabilization effort.

About The Author