dzme1530.ph

KAGULUHAN SA SENADO, KINONDENA

Loading

KINONDENA ng mga senador ang naganap na kaguluhan sa loob ng Senado na umabot sa putukan ng armas.
 
Sinabi ni Senador Juan Miguel Migz Zubiri na ipinagpapasalamat niyang walang nasaktan sa nangyaring tensyon.
 
Kasabay nito, umapela si Zubiri sa Philippine National Police na masusing imbestigahan ang nangyari.
 
Dapat anyang matukoy kung sino ang mga armadong lalaki na pumasok sa Senado at kung paano sila nakatakas.
 
Nagpasalamat din si Senador Joel Villanueva na ligtas na nakalabas ang lahat ng mga natrap sa gusali sa gitna ng putukan.
 
Sinabi naman ni Senador Panfilo Lacson na matapos matiyak na ligtas ang lahat ay dapat nang magsagawa nang imbestigasyon at tukuyin kung sino ang nagpaputok para kanino at ano ang motibo.

About The Author