dzme1530.ph

SENADO, KINALAMPAG PARA ITULOY ANG IMPEACHMENT TRIAL LABAN KAY VP DUTERTE

Loading

“Huwag kayong maging bias.”
 
Ito ang naging sigaw ng boses ng Manilenyo sa pakikiisa nila sa protesta ng Tindig Pilipinas upang kalampagin ang Senado na ituloy ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
 
Bukod dito, iginiit ng grupo na dapat na ring isuko sa mga awtoridad si Senador Ronald dela Rosa at harapin ang kinakaharap niyang kaso.
 
Kagabi ay natanggap na ng Senado ang articles of impeachment na personal na dinala ni House Secretary General Cheloy Garafil.
 
Una na ring nangako si Senate President Alan Peter Cayetano na agad magko-convene ng impeachment trial kapag naitransmit na sa kanila ang articles of impeachment.

About The Author