dzme1530.ph

FILIPINA TENNIS ACE ALEX EALA, TARGET ANG MAS MATAAS NA WTA RANKING AT PALAKASIN PA ANG PHYSICAL FITNESS SA 2027

Loading

Target ni Filipinas tennis superstar Alex Eala na umangat pa sa WTA rankings at palakasin lalo ang kanyang physical fitness sa susunod na taon.
 
Matagumpay na tinapos ng 21-year-old Pinay tennis sensation ang 2026 season sa pamamagitan ng kanyang unang WTA title sa Washington, D.C. at naabot ang kanyang career-best ranking bilang world No. 15.
 
Nasa Pilipinas ngayon si Eala para sa exhibition match nito laban kay Janice Tjen ng Indonesia, na gaganapin sa Philippine Arena sa Dec. 8.
 
Nabatid na dito sa bansa magpapasko si Eala at mag-eensayo para sa pre-season bago sumabak sa kanyang unang tournament sa 2027 na Auckland, New Zealand.

About The Author