dzme1530.ph

TAJIKISTAN, PORMAL NANG SINIMULAN ANG PAGKALAS SA ICC

Loading

Pormal nang sinimulan ng Tajikistan ang pag-withdraw mula sa International Criminal Court (ICC).

Ang Tajikistan ang ikaapat na bansa na nagsimulang kumalas sa ICC simula ng inilunsad ng US ang tinawag nitong “diplomatic push” para buwagin ang tribunal.

Una nang nag-anunsyo ng kanilang withdrawal ang Chad, Venezuela, at Nauru – isang maliit na Pacific island nation – matapos manawagan ang US sa mga bansa na kumalas na sa ICC noong Hulyo.

Noong nakaraang taon ay inanunsyo ng Burkina Faso, Mali at Niger ang kanilang pagkalas, kasabay ng pagtuligsa sa ICC bilang instrumento ng “neocolonial repression.”

Ang ICC ay world’s permanent war crimes tribunal, na lumilitis sa mga indibidwal na inakusahan ng genocide, crimes against humanity, war crimes at crime of aggression, kapag ayaw o walang kakayahan ang mga lokal na korte na kumilos.

About The Author