dzme1530.ph

LOAN DISBURSEMENT NG PAG-IBIG, TUMAAS NG 20% SA UNANG SAMPUNG BUWAN NG 2026

Loading

Lumobo ng 20% o sa ₱127.44 billion ang housing loan disbursements ng Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG Fund) simula Enero hanggang Oktubre.

Lumagda ang Pag-IBIG Fund ng mortgages para sa 78,410 homes sa unang sampung buwan ng taon na mas mataas ng 15% kumpara sa kaparehong panahon noong 2025.

Sinabi ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Ramon Aliling na ang expansion ng home financing at land distribution ay repleksiyon ng volumes na na-generate ng expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program ng pamahalaan.

About The Author