dzme1530.ph

Pamahalaan, nag-deploy ng mga sasakyan para sa transport strike simula ngayong Lunes hanggang Miyerkules

Loading

Inanunsyo ng Department of Transportation (DoTr) na nag-deploy sila ng mga sasakyan para sa tatlong araw na tigil-pasada simula ngayong araw hanggang sa Miyerkules.

Sinabi ng DoTr Sec. Vince Dizon, na magkakaroon ng additional buses sa EDSA Busway at trains sa MRT-3, LRT-1, at LRT-2.

Idinagdag ni Dizon na magbibigay din ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng libreng sakay sa bus sa mga apektadong lugar.

Hinimok naman ng kalihim ang transport groups na makipag-dayalogo, sa halip na magsagawa ng kilos-protesta.

Una nang nagdeklara ang Grupong Manibela ng tatlong araw na tigil-pasada, bunsod ng umano’y pagsisinungaling ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nang sabihin niton 86% ng PUV operators at drivers ang nagpa-consolidate na sa PUV Modernization Program.

About The Author