dzme1530.ph

Pagtatalaga ng bagong principals sa mga pampublikong paaralan, malaking tulong sa pagpapahusay ng edukasyon

Loading

Ikinatuwa ni Sen. Sherwin Gatchalian ang desisyon ng Department of Education (DepEd) na magtalaga ng 15,000 principals sa mga pampublikong paaralan ngayong taon.

Ayon sa senador, malaking hakbang ito sa pagpapalakas ng pamamahala sa mga paaralan at pagbibigay ng sapat na suporta sa mga guro at mag-aaral.

Sa kasalukuyan anya may 24,916 o 55% ng mga pampublikong paaralan ang walang principal kaya nawawala ang benepisyo ng malakas na pamumuno na mahalaga sa pagpapabuti ng performance ng mga mag-aaral.

Binigyang-diin din ng senador na kailangang tiyakin ng DepEd na ang proseso ng recruitment at pagtatalaga ng principals ay nakabase sa merito at kakayahan.

Dapat ding bigyang-prayoridad ang mga paaralang matagal nang walang permanenteng liderato.

Idinagdag pa ni Gatchalian na mahalaga rin na magkaroon ng malinaw na career path para sa mga nagnanais maging school head, kasama na rin ang tuloy-tuloy na pagsasanay at professional development upang maihanda sila sa mga hamon ng kanilang tungkulin.

About The Author