dzme1530.ph

Pagpapatapon sa Mindanao ng 700 tauhan ng BuCor, kinatigan ng isang senador

Pinaboran ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang naging aksyon ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Catapang Jr. na ilipat sa Mindanao ang 700 jail guards ng New Bilibid Prisons bilang bahagi ng paglilinis sa ahensya.

Ayon kay dela Rosa na dati ring nagibng pinuno ng BuCor, magandang diskarte ang ginawa ni Catapang na alisin sa comfort zone ang mga tauhan na posibleng may mga kinasasangkutang iregularidad.

Wala ring nakikitang masama ang Mindanaoan senator sa sinasabing nagsisilbing tapunan ng mga tiwaling tauhan ang Mindanao.

Katunayan, sinabi ni dela Rosa na proud pa siyang nagsisilbing special place ang Mindanao at hindi basurahan dahil kinakailangang magtino ang mga inililipat na law enforcers.

Kaya para sa kanya, hindi tapunan at bagkus ay lugar ng katinuan ang kanilang rehiyon. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author