![]()
Itinutulak ni Marikina 1st District Rep. Marcy Teodoro ang pagpapalawak at pagpapalakas ng Amang Rodriguez Medical Centers, kasabay ng panawagan na pagbutihin ang pangangalaga sa mga pasyente.
Ginawa ni Teodoro ang apela nang bumisita ito sa ospital, kasama ang mga opisyal ng Department of Health (DOH), para tingnan ang kalagayan ng mga pasyente at suriin ang mga pangangailangan ng ospital, partikular sa pondo, pasilidad, manpower, at serbisyong medikal.
Hinimok din ng kongresista ang pamunuan ng ospital na unahin ang mga pangangailangan at kapakanan ng mga pasyente.
Idinagdag ni Teodoro na bilang vice chairperson ng House Committee on Appropriations na titiyakin niyang mabibigyan ng sapat na pondo ang Amang Rodriguez Hospital para mas mapalakas ang paghahatid nito ng serbisyo.
Ang misis ni Teodoro na si dating 1st District Rep. at ngayo’y Marikina Mayor Maan Teodoro ang principal author ng Republic Act No. 12204, na nagpalawak sa bed capacity ng Amang Rodriguez Memorial Medical Center sa 1,000 mula sa 500.
