![]()
Posibleng makakuha si Pinay tennis sensation Alex Eala ng Olympic qualification place para sa 2028 Los Angeles Games, sa Oktubre kung mapapanalunan nito ang Women’s Singles gold medal sa nalalapit na Asian Games sa Japan ngayong Setyembre.
Ayon sa International Tennis Federation (ITF), ang Asian Games, kasama ang Pacific Games, Pan-American Games, at African Games ay bahagi ng qualification pathway para sa 2028 Olympics.
Ang Asian Games ang una sa apat na regional games na gaganapin, na ang ibig sabihin ay may tsansa si Eala na maging kauna-unahang tennis player na makaka-secure ng qualification place sa Olympics.
Gayunman, kahit hindi niya makuha ang gold medal sa Asian Games, maaari pa ring mag-qualify si Eala sa 2028 Olympics sa pamamagitan ng regular ranking.
Kabuuang 64 athletes sa bawat gender ang magku-qualify para sa Olympics, kung saan 56 spots ang i-a-award sa pamamagitan ng direct acceptance batay sa singles ranking, as of June 12, 2028.
