dzme1530.ph

Pagpa-patrolya sa mga lansangan sa Metro Manila, paiigtingin ng PNP

Magpapakalat ang Philippine National Police (PNP) ng karagdagang mga tauhan para mag-patrolya sa mga pangunahing lansangan kasunod ng mga pag-atake ng riding-in-tandem nitong mga nakalipas na linggo.

Ayon kay PNP Spokesperson, Police Colonel Jean Fajardo, sa Metro Manila, ay ipinag-utos ni PNP Chief, Police General Rommel Francisco Marbil, na ire-assign ang nasa 600 personnel na dating gumagawa ng administrative task para mag-patrolya sa mga kalsada upang mapagbuti ang police response.

Sinabi ni Fajardo na ilang pulis ang gagamit ng motorsiklo habang bisikleta naman ang gagamitin ng iba sa pagpa-patrolya sa mga lugar sa loob at labas ng national capital region.

Noong May 24 ay isang babaeng opisyal ng Land Transportation Office ang nasawi makaraang barilin sa loob ng kanyang sasakyan sa Quezon City ng mga hindi nakilalang lalaki na magka-angkas sa motorsiklo.

Noong nakaraang Miyerkules naman ay isang 16-anyos na graduating student ang patay din sa pamamaril ng riding-in-tandem sa labas ng isang gym sa Tipo-Tipo, Basilan.

About The Author