dzme1530.ph

Pagkakaaresto sa isang Chinese spy malapit sa Comelec office, nakababahala

Loading

AMINADO si Senador Risa Hontiveros na nakababahala ang pagkakaaresto sa isang Chinese spy malapit sa Comelec office.

 

Sinabi ni Hontiveros na nakababahala ito hindi lamang para sa halalan kundi sa kabuuan ng ating national security.

 

Kung mapatunayan anya na espiya ang nahuling Chinese national, makakaroon ito ng seryosong implikasyon sa ating relasyon sa China na hindi lang nang-aangkin ng teritoryo kundi mangingialam pa sa eleksyon.

 

Nagpasalamat naman ang senadora sa NBI sa pag-aksyon sa isyu kasabay ng pahayag na babantayan niya ang resulta ng imbestigasyon na posibleng magamit sa pagpapalakas pa ng Espionage Act at Foreign Interference Bill.

 

Dapat anyang maging vigilante ang gobyernonat huwag payagang maimpluwensyahan ng mga banyaga ang ating pulitika, national security, at demokrasya.

About The Author