dzme1530.ph

Pagkakaaresto kay Tony Yang, makatutulong para masakote ang nakababatang kapatid nitong si Michael Yang

Pinuri ng Kamara ang AFP-MIG, ISAFP, Presidential Anti-Organized Crime Commission at Bureau of Immigration sa pagkakasakote kagabi kay Tony Yang o Hong Jiang Yang.

Si Yang na hinahunting rin ng Quad Committee ay nakatatandang kapatid ni Michael Yang, ang dating presidential economic adviser ni former Pres. Rodrigo Duterte, at nagma-may-ari ng napakaraming negosyo sa Pilipinas subalit ibat-iba ang ginagamit na pangalan.

Sa kasagsagan ng hearing kagabi ng Quad Comm, ibinahagi ni PAOCC Spokesman Winston Casio ang pagkaka-sakote kay Yang, kaya pinayagan itong pumunta sa NAIA Terminal 3.

Naniniwala si Senior Deputy Speaker Dong Gonzales, Jr. na makakatulong si Yang para maaresto na rin ang kapatid nito na si Michael o Hong Ming Yang na matagal nang may arrest warrant sa Quad Comm.

Si Michael Yang ay nauugnay sa 3.6 billion drug bust noong nakaraang taon sa Mexico, Pampanga. —sa panulat ni Ed Sarto

About The Author