![]()
Binuksan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga motorista ang bagong lane sa Mindanao Avenue Extension sa Caloocan City para maibsan ang mabigat na trapiko sa lugar.
Ayon kay DPWH Secretary Giovanni “Banoy” Lopez, ang 3.2 kilometers na bahagi ng Mindanao Avenue Extension na nag-uugnay sa Quirino Highway hanggang sa General Luis Street ay plano noon pang 1980s o halos 50 years ago.
Gayunman, na-delay ang konstruksyon dahil sa problema sa right-of-way.
Sinabi ni Lopez na naresolba na rin ang isyu at nai-relocate na ang mga naapektuhang residente.
Mayroon pa aniya na dalawang properties na hindi pa naipo-proseso, subalit ang mga ito ay para sa sidewalk.
