dzme1530.ph

Pagiging import ni Justin Brownlee sa IBL, suportado ni Tim Cone

Suportado ni Gilas Pilipinas Head Coach Tim Cone ang paglalaro ng naturalized player na si Justin Brownlee bilang import sa Indonesian Basketball League (IBL) sa mga susunod na buwan.

Kasunod ito ng balitang kinuha ng hindi pa tinukoy na team sa IBL, si Brownlee na longtime import din ni Cone sa Barangay Ginebra sa PBA.

Sinabi ni Cone na masaya siya para kay Brownlee at magagamit din itong pagkakataon ng Gilas player para magkaroon ng extra income at mapanatili ang husay at bilis sa paglalaro.

Sa kasalukuyan ay nasa All-Filipino Conference ang PBA kaya may panahon si Brownlee na makapaglaro sa ibang liga bago bumalik sa Ginebra, at sa susunod na stint ng Gilas Pilipinas sa Olympic qualifying tournament.

About The Author