dzme1530.ph

Pagdaragdag ng mga gamot na VAT-free, malaking ginhawa sa mamamayan

Loading

Iginiit ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na malaking ginhawa para sa mamamayan ang pagdaragdag ng mga gamot sa listahan ng VAT-free products.

Kasunod ito ng pagrekomenda ng Food and Drugs Administration (FDA) sa 17 pang mga gamot para sa high cholesterol, diabetes, hypertension at mental illness na hindi na papatawan ng value added tax (VAT).

Sinabi ni Pimentel na bawat pisong matitipid sa mga gamot ay nangangahulugan ng dagdag na maipanggagastos ng mga kababayan natin sa pagkain, edukasyon at pagkakaroon ng mas mainam na pamumuhay.

Hinikayat din ng minority leader ang gobyerno na palawakin pa ang VAT exemptions para masakop ang mas marami pang gamut.

Si Pimentel ang isa sa mga nagsulong na maisama sa VAT-exempted na gamot ang mga psychiatric medicines sa ilalim ng CREATE MORE law.

About The Author