dzme1530.ph

Pagbubuntis, hindi hadlang para hindi makapagtapos —VP Sara Duterte

Hindi hadlang ang pagbubuntis ng mga estudyanteng babae upang hindi makapagtapos ng kanilang pag-aaral.

Ito ang inihayag ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte kasabay ng pagdiriwang ng International Women’s Day kung saan binigyang-diin nito ang kahalagahan ng edukasyon.

Ayon sa pangalawang pangulo, makabubuti na himukin ang mga ito na magpakonsulta sa doktor at kumuha ng prenatal care.

Dapat din aniyang kausapin ng estudyante ang kaniyang principal at tanungin kung ano ang maaaring gawin upang makapagtapos ng pag-aaral.

Nitong Enero, matatandaang sinabi ng Commission on Population and Development (POPCOM) na umabot sa higit 2,000 ang bilang ng mga buntis na teenager edad 10 hanggang 14 sa bansa.

About The Author