dzme1530.ph

Pag-aresto kay FPRRD, iimbestigahan ng Senate panel

Loading

Kinumpirma ni Senate Committee on Foreign Relations chairperson Imee Marcos na magpapatawag siya ng urgent investigation kaugnay sa pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Binigyang-diin ng senador na nagdudulot ng matinding pagkakawatak-watak ng bansa ang naturang isyu.

Dapat aniyang matukoy kung sinunod ang due process at matiyak na iginalang ang lahat ng karapatan ng dating Pangulo sa pagpapatupad ng pag-aresto sa kanya.

Sa gitna aniya ito ng kaugnayan ng International Criminal Police Organization (Interpol) at International Criminal Court (ICC).

Kinumpirma rin ng senadora na iimbitahan niya sa pagdinig ang mga opisyal at ahensya na nagpatupad ng kautusan ng ICC kasama na ang mga opisyal ng PNP, OTS-DOTr, DOJ, DFA, NSC, CAAP, and iba pang resource persons at mga testigo.

Iginiit ni Marcos na dapat tugunan ng Senado ang mga isyung may kinalaman sa hurisdiksyon ng Pilipinas at linawin ang mga polisiyang sumasaklaw sa law enforcement agencies at pakikipag-ugnayan nito sa international tribunals.

Kailangan aniyang matiyak na palagiang mangingibabaw ang ating soberanya at mga ligal na proseso.

About The Author