Ikinatuwa ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang pag-alalay ng Philippine Embassy sa The Hague, The Netherlands kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Pinasalamatan ni Escudero si Ambassador Jose Eduardo Malaya III at ang buong embassy staff sa kanilang pagkakaisa para matiyak ang kapakanan ng dating Pangulo at ng delegasyon na kasama nito.
Ilan sa proactive measures na ginawa sa pagdating ng dating Punong Ehekutibo sa The Hague ay pagbibigay ng winter clothing, care packages, at logistical support.
Sinabi ni Escudero na ang mabilis at pag-aasikaso sa dating Pangulo ay pagpapakita ng ating magandang kaugalian na pinanghahawakan bilang isang bansa.
Tinukoy ni Escudero na ang mga embahada ng Pilipinas ay mahalaga para sa pagprotekta sa karapatan at kapakanan ng mga Pilipinong nasa ibang bansa at ang kanilang hindi matatawarang dedikasyon ay nararapat lamang mabigyan ng suporta at pagpapasalamat.