dzme1530.ph

FORMER SPEAKER MARTIN ROMUALDEZ, ITINUTURING NG PERSON DEPRIVED OF LIBERTY, AYON SA DILG CHIEF

Loading

Inanunsyo ni Interior Secretary Jonvic Remulla na itinuturing na person deprived of liberty (PDL) si dating House Speaker Martin Romualdez.
 
Kasunod ito ng pagsisilbi ng warrant of arrest laban kay Romualdez habang naka-confine sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City.
 
Sinabi ni Remulla na tinanggap ng Leyte Rep. ang warrant sa harap ng kanyang mga abogado at mga doktor, at maging ng kanyang anak.
 
Inihayag ng kalihim na ayon sa mga doktor, dumaranas si Romualdez ng cardiovascular event.
 
Aniya, hindi stable ang blood pressure ng kongresista at mayroon itong anxiety attack.
 
Idinagdag ni Remulla na sa kasalukuyan ay mayroonong armed guards sa labas ng hospital room ni Romualdez, at mayroon ding mga pulis sa labas ng ospital.
 
Una nang naglabas ang Sandiganbayan Third Division ng arrest warrant laban kay Romualdez, ilang oras matapos itong kasuhan ng plunder kaugnay ng umano’y maanomalyang flood control projects.

About The Author