dzme1530.ph

Pag-aangkat ng galunggong, bonito at mackerel sinuspinde ng D.A.

Pinasuspinde ni Dep’t. of Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., ang paga-angkat ng galunggong, bonito at mackerel para sa mga delata.

Ito ay batay sa Memorandum Order no.14 na inilabas ng kalihim kasunod ng natanggap na report na nada-divert ang mga nabanggit na isda sa palengke gayung laan ang mga ito sa mga institutional buyers.

Ipinaalala ng D.A. ang labelling requirements sa ilalim ng Fisheries Administrative Order no.195 kung saan dapat ay malinaw at nababasa ang label na “for canning purposes only and not for sale o distribution to wet markets and supermarkets.” ang produkto.

Ang kautusan ay epektibo 15-araw mula nang iisyu ang memorandum order.

About The Author