dzme1530.ph

P150 dagdag sa arawang sahod sa mga empleyado ng pribadong sektor, inihain sa senado

Isinusulong ni SP Juan Miguel Zubiri ang dagdag sahod sa mga manggagawa sa pribadong sektor sa mga rehiyon sa buong bansa.

Sa Senate Bill no. 2002 o Across the Board Wage Increase Act of 2023 ni Zubiri, P150 ang isinusulong na dagdag sa kada araw na sweldo ng mga empleyado sa private sector.

Saklaw ng panukala ang lahat ng employers sa pribadong sektor, agricultural man o non-agricultural, malaki man o hindi ang puhunan at kahit ilan pa ang bilang na empleyado.

Kapag naging ganap na batas ang dagdag na P150 sa kada araw na sweldo ng mga manggagawa sa pribadong sektor, ang mga kompanya na lalabag dito ay mahaharap sa multang P100,000 hanggang P500,000.

Sa kasalukuyan, ang National Capital Region ang may pinakamataas na daily wage rate na nasa P570 para sa non-agriculture habang pinakamababa naman sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na nasa P316 kada araw na sahod para din sa non-agriculture.

About The Author