dzme1530.ph

P1.45-B shares subscription ng GSIS para sa renewable energy, inaprubahan na ng Philippine Stock Exchange

Inaprubahan na ng Philippine Stock Exchange ang P1.4-B halaga ng share subscriptions na ipinasa ng Government Service Insurance System para sa P100 milyong preferred shares sa renewable energy ng Alternergy Holdings Corporation.

Binigyang diin ni AHC President Gerry Magbanua, na makaraan ang isang taon, nakalikom na nang karagdagang equity capital ang kanilang energy firm mula sa kanilang strategic investor na GSIS.

Dagdag pa ni Magbanua, ang pakikipagtulungan nila sa GSIS ay maihahanay sa kanilang layuning mapalawig at mapanatili ang magandang takbo ng renewable energy investments sa bansa.

Ang nasabing subscription ay may halagang P14.50-B per share ay naaprubahan noong Nobyembre nang nakaraang taon.

About The Author