dzme1530.ph

NPC at Partido Federal ng Pilipinas, bubuo ng alyansa para sa 2025 midterm elections

Bubuo na rin ng alyansa ang Nationalist People’s Coalition (NPC) at ang Partido Federal Pilipinas (PFP) na political party ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., para sa 2025 midterm elections.

Ayon kay dating Senate President at NPC chairman Vicente Sotto III, ang partnership ng dalawang partido ay magsusulong ng genuine unity bukod pa pagpapalakas at pagpapatuloy ng pagsusulong ng “Bagong Pilipinas,” na all-inclusive development brand ng administrasyon.

Kinumpirma ni Sotto na lalagdaan nila ngayong araw na ito ang kasunduan para sa pag-aalyansa kasama si Pang. Marcos.

Naniniwala ang dating senate leader na ang alyansang ito ay magpalalakas ng pagtutulungan at suporta sa Pangulo lalo pa’t ang NPC ay mayroong 4,000 miyembro na ang halos 2,000 ay mga incumbent public officials.

Naniniwala aniya ang NPC na ang serbisyo publiko ay dapat na may integridad, transparency, accountability, bukod sa  partisipasyon ng taumbayan upang maging epektibo.

About The Author