dzme1530.ph

NLEX, natakasan ang Ginebra para selyuhan ang quarter final ticket

Natakasan ng NLEX Road Warriors ang second-seeded Barangay Ginebra, sa score na 76-72, para makuha ang seventh seat sa playoff round ng PBA Philippine Cup, sa Ninoy Aquino Stadium, kagabi.

Ginawang sandigan ng Road warriors si Robert Bolik sa pagtatapos ng kanilang elimination round campaign sa record na 6-5 habang bumaba sa 7-4 ang card ng Ginebra, bagaman sigurado pa rin sa twice-to-beat edge.

Nakapagtala si Bolick ng 25 points, six rebounds, 8 assists, at isang steal habang nag-ambag si Richie Rodger ng 11 points, 6 rebounds, at 2 assists at si Robert Herndon ng 9 markers at 6 boards.

About The Author