dzme1530.ph

New York Knicks, pinagmulta ng NBA ng $25,000 bunsod ng paglabag sa injury reporting

Pinatawan ng $25,000 na multa ng NBA ang New York Knicks bunsod ng paglabag sa injury reporting rules ng liga.

Nabigo ang Knicks na eksaktong ipabatid ang estado ng 7-footer na si Mitchell Robinson bago ang kanilang game laban sa Toronto Raptors noong March 27.

Kabilang si Robinson sa initial injury report ng koponan na hindi maglalaro, pero ipinasok nila ito sa hard court sa loob ng 12 minuto.

Nanalo ang New York kontra Toronto sa score na 145-101, sa pagbabalik ni robinson mula sa 50-game absence bunsod ng ankle injury.

About The Author