dzme1530.ph

Nawawalang mangingisda sa Subic, Zambales, hindi pa rin natatagpuan ng PCG

Hindi pa rin natatagpuan ng Philippine Coast Guard (PCG) si Jose Mondoñedo ang nawawalang mangingisda sa katubigan ng Subic, Zambales.

Matatandaang naiulat sa PCG ang banggaan ng foreign vessel at bangkang pangisda na sakay si Mondoñedo at ang kapatid nitong si Robert Mondoñedo na sya namang nakaligtas.

Ayon sa PCG, patuloy pa rin ang search and rescue operation ng BRP Sindangan habang nakikipag-ugnayan na rin ang mga ito sa Indonesian Port State Control dahil sa malapit din dito ang pinangyarihan ng aksidente.

Matatandaang dalawang bulk carrier na Chinese vessels na may pangalang ‘Yong Fa Men’ at ‘Mei Lan Hu’ ang tinitingnan ng PCG na nakabangga sa bangka ng magkapatid na Pilipinong mangingisda. —sa panulat ni Judea Bernardo

About The Author