dzme1530.ph

National No Tobacco Day: Malacanang, nagbabala sa masamang dulot ng sigarilyo

Nagpa-alala ang Malakanyang sa masamang idinudulot ng paninigarilyo.

Ito ay bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National No Tobacco Day ngayong Mayo atrenta.

Sa Social media post, sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na ang paninigarilyo ay nakasasama hindi lamang sa katawan kundi pati na sa mga nakakalanghap ng usok nito rito.

Kaugnay dito, Pinayuhan ng Palasyo ang mga Pilipino na pangalagaan ang kalusugan at hikayatin ang mga mahal sa buhay na ingatan ang kanilang pangangatawan.

About The Author