![]()
Pinaalalahanan ng National Police Commission o NAPOLCOM ang mga pulis na hindi lisensya para sa pang-aabuso ang kanilang uniporme.
Ginawa ni NAPOLCOM Commissioner Rafael Vicente Calinisan ang pahayag kaugnay sa pagbangga ng PNP coaster sa isang bus sa EDSA carousel.
Ipinag-utos ni Calinisan ang motu proprio investigation sa insidente na kinasangkutan ni Chief Master Sgt. Jenifer Bredico, driver ng PNP vehicle.
Posible anyang maharap si Bredico sa kasong kriminal at administratibo depende sa magiging resulta ng pagsisiyasat.
Dismayado si Calinisan sa insidente lalo na nang matanggap ang impormasyon na pinipilit pa ang bus driver na managot sa pinsala sa sasakyan.
Tiniyak ng Napolcom official na hindi nila kukunsintihin ang anumang pag-abuso ng mga tauhan ng PNP.
