dzme1530.ph

MWSS, walang nakikitang kakapusan ng tubig hanggang sa pagtatapos ng 2025

Loading

Kumpiyansa ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na hindi makararanas ang bansa ng anumang water shortage para sa buong 2025.

Sa gitna ito ng mga pangamba na magkaroon ng kakapusan sa supply ng tubig dahil nagsisimula nang maramdaman ang mainit na panahon.

Sinabi ni MWSS Engineer Patrick James Dizon, acting deputy administrator ng MWSS Engineering Technical Operation Group, na karaniwang tumataas ang demand tuwing summer o sa mga buwan ng Marso hanggang Mayo.

Gayunman, dahil sa mga pag-ulan na dala ng shear line at amihan sa bansa nitong mga nakaraang buwan ay nakapag-ipon ng tubig sa mga dam, at naabot ang target elevation noong katapusan ng 2024 upang hindi magkaroon ng kakapusan sa tubig, hindi lamang sa paparating na summer kundi hanggang sa katapusan ng 2025.

About The Author