dzme1530.ph

Murang “sulit rice” at “nutri rice”, ilulunsad ng DA ngayong bagong taon

Loading

Ilulunsad ng Dep’t of Agriculture ang murang “sulit rice” at “nutri rice” ngayong bagong taon.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, inihayag ni DA Spokesperson Assistant Sec. Arnel de Mesa na ang sulit rice ay 100% broken rice na maganda pa rin ang kalidad.

Magkakahalaga umano ito ng ₱35 hanggang ₱36 kada kilo.

Ang nutri rice naman ay nasa pagitan ng well-milled at brown rice o tinatawag ding one-pass milling, kung saan marami pang nutrients na natitira dito tulad ng fiber, vitamins, at minerals.

Ibebenta ito sa halagang ₱ 37- ₱ 38 per kilo.

Ngayong Enero ay inaasahang ilalabas na ang sulit rice at nutri rice sa Kadiwa Centers, mga piling pamilihan, at sa mga istasyon ng tren, at ito ay magiging katuwang ng Rice for All Program. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author