dzme1530.ph

MT Princess Empress, nakita na, 23 butas, natuklasan

Narating na ng Remotely Operated Vehicle (ROV), na hiniram mula sa Japan, ang lumubog na MT Princess Empress.

Batay sa mga larawan at iba pang datos gamit ang ROV, matinding napinsala ang barko at kinakitaan din ito ng 23 butas kung saan tumagas ang mga langis.

Ani Oriental Mindoro Gov. Hurmelito Dolor, ang una nilang hinala ay ang operational fuel lamang ng barko ang tumagas pero sa nakita sa mga datos ng ROV, ang nagle-leak ay nasa walong tanker.

Ani Dolor, patuloy pang pinag-aaralan kung paano kokolektahin ang natitirang industrial fuel sa barko bago pa ito tuluyang kumalat.

Lubhang delikado aniya kung gagalawin pa ang motor tanker dahil posibleng tuluyan itong mapinsala at mas magdulot pa ng problema.

About The Author