![]()
“Court run.”
Ito umano ang ginagawang taktika ng legal team ni Vice President Sara Duterte, sa tuwing nasusukol.
Binatikos ni Joel Chua ang coordinated legal strategy ng Bise Presidente para pigilan ang pagre-release ng “key financial records.”
Gayun pa man, ang pagpapasaklolo sa hukuman ay may naibibigay umano ng maraming tanong sa halip na kasagutan sa hindi maipaliwanag na yaman.
Banat pa ni Chua, chairman ng Committee on Good Government and Public Accountability, halatang-halata naman ang taktika—dalawang korte ang tinakbuhan, pero iisa lang ang gustong mangyari: ang pigilan ang paglalabas ng katotohanan.
Nilinaw din ng kongresista na ang isyu ay hindi politikal kundi pananagutan.
Aniya, bilyon-bilyong piso ang pinag-uusapan—tanong lang, “saan nanggaling, at bakit kailangang itago.”
