dzme1530.ph

Miss Grand PH, tumatanggap na ng mga aplikante para sa 2023 pageant

Nagsimula nang tumanggap ng mga aplikante ang Miss Grand Philippines para sa nalalapit na 2023 pageant.

Ang MGPH pageant ay bukas sa mga Filipina na 18 to 28 years old at hindi bababa sa 5’4″ ang height.

Nakasaad din sa qualifiacations na dapat ay dalaga at kailanman ay hindi pa ikinasal o nagdalang-tao ang kandidata.

Ang mananalo sa pageant ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Grand International na ang titulo ay hawak ngayon ni Isabella Menin ng Brazil.

Isa sa mga inaasahang sasali ay si Binibining Pilipinas 2022 first runner-up Herlene Budol na una nang nagkumpirma na lalahok sa Miss Grand Philippines noong Pebrero.

About The Author