![]()
33 percent ng mga Pilipino ang naniniwala na gaganda ang ekonomiya ng Pilipinas sa susunod na labindalawang buwan, batay sa June 20 to 29 survey ng Social Weather Stations (SWS).
24 percent naman ng respondents ang nagsabing lalala ang ekonomiya.
Dahil dito, naitala ang net economic score na positive 10, na itinuturing SWS bilang “fair.”
32 percent naman ang nagsabi na pareho lamang ang magiging lagay ng ekonomiya ng bansa.
Sinabi ng survey firm na ang latest economic optimism score ay 24-point rebound mula sa low na negative 14 noong March 2026.
