dzme1530.ph

MIC, hindi magkakaroon ng kontrol sa operasyon ng NGCP sa kabila ng 20% shares

Hindi magkakaroon ng kontrol ang Maharlika Investment Corp. sa operasyon ng National Grid Corp. of the Philippines, sa kabila ng pagkuha ng 20% shares.

Sa press briefing sa Malakanyang, inihayag ni MIC president at CEO Rafael Consing Jr. na bilang financial investor ay mas tututok sila sa governance o pamamahala sa NGCP.

Layunin umano nilang magkaroon ng lebel ng impluwensya sa NGCP, sa pamamagitan ng ibibigay sa kanilang board seats.

Kaugnay dito, umaasa si Consing na maiimbitahan sila sa ilang mahahalagang komite upang makita ang mga aspeto ng operasyon ng power grid operator.

Samantala, iginiit naman ni Energy Sec. Raphael Lotilla na mas maitataguyod ang transparency dahil mas malawak nilang mababantayan ang operasyon ng public utility. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author