dzme1530.ph

Mga Pilipino, hinikayat ng Pangulo na sariwain ang pagkakaibigan sa China ngayong Chinese New Year

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga Pilipino na sariwain ang pagkakaibigan sa People’s Republic of China ngayong Chinese New Year.

Sa kanyang social media post, hinimok ng Pangulo ang publiko na makiiisa sa Filipino-Chinese Community sa selebrasyon.

Humiling din ito ng kasagahan, saya, at magandang kapalaran para sa lahat.

Pinayuhan din nito ang mga Pilipino na gunitain ang accomplishments sa nagdaang taon, at umaasa ito na ang Year of the Dragon ay magdadala ng sigasig at pag-asa para sa pag-aangat ng bansa.—ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author