dzme1530.ph

Malacañang, nagpaabot ng pagbati para sa Chinese New Year

Nagpaabot ng pagbati ang Malacañang para sa pagdiriwang ng Chinese New Year ngayong araw ng Sabado, Feb. 10.

Umaasa ang Presidential Communications Office para sa sama-samang pagsalubong ng taon nang may pag-asa at determinasyong maisulong ang isang maunlad at maginhawang Bagong Pilipinas.

Kasabay nito’y hiniling ng PCO ang masayang selebrasyon sa pagsalubong sa Year of the Dragon.

Mababatid na deklarado ang Special non-working day ngayong araw para sa Chinese New Year. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author