dzme1530.ph

4 na suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo, nasa Metro Manila na

Apat na naarestong suspek sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at sa walong iba pa, ang inilipat na sa Metro Manila.

Sinabi ng Department of Justice na ibiniyahe ang mga suspek mula Dumaguete City patungong Maynila, Martes ng madaling araw.

Dalawa sa mga suspek na unang nang nagpahayag ng kanilang intensyon na makipagtulungan sa kaso ang agad itinurn-over sa National Bureau of Investigation para sa protective custody at karagdagang imbestigasyon.

Ang dalawang natira naman na nasa PNP Custodial Center sa Quezon City ay nagpahayag na rin ng kanilang kahandaan na makipag-cooperate, ayon sa DOJ.

Isinasailalim na sa verification process ang statements ng apat na respondents na naaresto sa Bayawan City, ilang oras matapos ang pamamaslang kay Degamo sa mismong bahay nito habang namimigay ng ayuda sa kanyang constituents noong Sabado.

About The Author