dzme1530.ph

MGA LGU, NAGDEPLOY NG LIBRENG SAKAY PARA SA MGA COMMUTER NA APEKTADO NG TRANSPORT STRIKE

Loading

Nagdeploy ng mga sasakyan para sa libreng sakay ang iba’t ibang lokal na pamahalaan sa gitna ng transport strike.

May mga nakapwestong sasakyan para sa libreng sakay sa Incident Command Post sa Kartilya ng Katipunan sa Ermita, Manila, simula kaninang 6AM.

Sa Lungsod ng Malabon, nagsimula ang libreng sakay kaninang ala-singko ng madaling-araw.

Ito ay karagdagan sa mga sasakyan na ipinakalat ng Metro Manila Development Authority upang matiyak na walang commuter ang mai-stranded.

Ang transport strike ngayong araw ay pinangunahan ng transport group MANIBELA bunsod pa rin ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

About The Author