![]()
Sinimulan ng transport group na MANIBELA ang tatlong araw na transport strike kasabay ng pag-arangkada ng pagtataas ng singil sa pasahe.
Sa gitna ito ng kanilang panawagan na alisin na ang excise tax at value added tax sa petrolyo upang maibaba ang presyo nito.
Ayon kay MANIBELA Chairperson Mar Valbuena, kabuuang 20,000 hanggang 25,000 jeepney drivers ang nakikiisa sa kanilang kilos protesta.
Kinondena rin ng grupo ang babala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na posibleng maharap sa kaparusahan ang mga magra-rally.
Iginiit ni Valbuena na karapatan nilang magpahayag ng kanilang saloobin at ipaglaban ang kapakanan ng mga tsuper.
