![]()
Tiniyak ng National Capital Region Police Office o NCRPO ang kanilang kahandaan para sa pagpapanatili ng seguridad at mabigyan ng tulong ang mga commuter na apektado ng transport strike simula ngayong araw na ito hanggang Miyerkules.
Ipinag-utos din ni NCRPO Officer in Charge, Brig. Gen. Christopher Abrahano sa mga police district na makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan, transport authorities at iba pang ahensya para sa pagpapatupad ng seguridad at agarang tulong sa mga lugar na posibleng makaranas ng matinding pagsisikip at kakulangan ng masasakyan.
Tiniyak din ni Abrahano na igagalang ng mga pulis ang karapatan ng mga transport group na magprotesta nang mapayapa.
Gayunman, dapat anyang panatilihing maayos ang kilos-protesta at respetuhin ang mga driver at operator na patuloy na bibiyahe.
