dzme1530.ph

MGA ISINIWALAT NI DATING SEN. ANTONIO TRILLANES NOONG 2016, TUGMA SA RECORD NG OMBUDSMAN

Loading

Nag tugma sa record ng Office of the Ombudsman ang mga isiniwalat noong 2016 ni former Senator Antonio Trillanes IV.
 
Sa pagharap ni Trillanes sa hearing ng House Committee on Justice, sinabi nito na noon pang 2017 nakita na ng nuo’y Overall Deputy Ombudsman Melchor Carandang ang mga kahinahinalang bank deposits ng ‘Duterte family’.
 
Gayunman, dahil sa findings ni Carandang na may sapat na batayan upang magpatuloy ang imbestigasyon sa malalaking bank deposits ni Rodrigo Duterte, mga anak kasama si VP Sara, at common-law wife na si Honeylet Avancena, misteryosong nahinto ang imbestigasyon.
 
Naging mitsa rin umano ang findings ni Carandang para suspindihin ito, na kalaunan ay tuluyan ng tinanggal sa pwesto ng nuo’y presidente na si Rodrigo Duterte.
 
Kinumpirma din ni Trillanes na ang natuklasan niya noon pang 2016 hinggil sa unexplained wealth, ill-gotten wealth, at money-laundering activities ang nilalaman ng isinampa nitong reklamo o verified complaint sa Office of the Ombudsman nito lamang January 21, 2026.

About The Author