dzme1530.ph

Median age ng mga Pilipinong nagpakasal noong 2022, 28-30 ayon sa PSA

Mayorya sa mga Pilipino ang nagpakasal sa edad na 28-30 noong 2022.

Ayon sa Philippine Statistics Authority o PSA, ang median age sa pagpapakasal sa mga babae ay edad 28 habang edad 30 naman sa mga lalaki.

Mas mataas ito kumpara sa edad 27 sa mga babae at 29 sa mga lalaki na median age na itinakda noong 2021.

Sumirit din ang bilang ng mga nagpakasal noong 2022 na nasa 449,428 mula sa 356,839 na bilang noong 2021.

About The Author