Mayor Baste Duterte, maninindigan at lalaban kasunod ng sinapit ng ama na umano’y iligal na inaresto

dzme1530.ph

Mayor Baste Duterte, maninindigan at lalaban kasunod ng sinapit ng ama na umano’y iligal na inaresto

Loading

Binatikos at minura ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., makaraang ipadala ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, Netherlands para harapin ang kasong crimes against humanity.

Sa kanyang talumpati sa 88th Araw ng Dabaw, nagbanta ang nakababatang Duterte na lalaban sila kasunod ng umano’y iligal na pag-aresto sa kanyang ama.

Sinabi ng Alkalde na bukod sa hindi mahal ng mga tao si Marcos, ang tanging mayroon lamang ito ay government resources at termino.

Binanatan din ni Mayor Baste ang buong pamilya Marcos, sa pamamagitan ng paghalintulad sa kanilang apelyido sa martial law at oppression.

Minura rin ng alkalde si Marcos dahil pinayagan nitong maaresto ang kanyang ama na si dating Pangulong Duterte na nagpalibing sa ama nito na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani noong 2016.

About The Author